MANILA, Philippines -Dalawang kandidato ng Liberal Party at 28 supporÂters ang hinuli at ikiÂnulong ng Malaysian PoÂlice matapos na masiraan ng bangka habang patungo sa proclamation rally sa Tawi-Tawi noong Lunes at mapadpad sa teritoryo ng nasabing bansa.
Kinumpirma ng Tawi-tawi PNP na noong Lunes ng hapon ay patungo sana sa proclamation rally na inorganisa ni Tawi-Tawi Governor Hadji Sadikul Sahali sa Mapun at Taganak Island ng lalawigan ang mga nasabing biktima.
Sa inisyal na impormasÂyon ay napagkamalan ang grupo na mga supporters at reinforcement ng Sulu Sultanate na pinamumunuan ni Sultan Jamalul Kiram III na target ng all out crackdown ng Malaysian Police kaya inaresto ang mga ito.
Kabilang sa mga hinuli ng maritime police ng Malaysia ay sina RomÂmel Matba, kandidatong Mayor, Amman Matba, kandidatong Vice Mayor; pawang sa bayan ng LanguÂyan, Tawi-Tawi at iba pa.
Nabatid na binalya ng malalakas na alon at hangin ang nasabing bangka hanggang sa masiraan ito ng makina habang naglalayag sa bahagi ng karagatan ng Taganak Island hanggang sa mapadpad sa teritoryo ng Malaysia .
Nasagip naman ang mga ito ng Malaysian Police bago pa man lumubog ang bangkang sinasakyan na kung saan dinala ang mga ito sa Sandakan at isinasailalim sa masusing interogasyon sa hinalang mga supporters ni Sultan Kiram.
Sa kasalukuyan, nakiÂkipag-ugnayan na ang ARÂMM government at pulisya sa Embahada ng Pilipinas sa Malaysia para sa pagpapalaya sa grupo nina Matba na napagkamalang mga supporters nina Sultan Kiram.