Upa sa Baseco, suportado si Bam Aquino

MANILA, Philippines -Suportado ng grupong Urban Poor Associates (UPA) ng Baseco, Tondo ang kandidatura ni Benigno Bam Aquino.

Sa isang covenant signing sa Baseco compound, inilahad ng pinuno ng UPA na si Denis Murphy, isang dating Heswita na ngayo’y community organizer, ang plataporma ng batang Aquino para sa edukasyon, trabaho, at negosyo ay tutugon sa kahirapan sa bayan.  Ani Murphy, ang poverty alleviation programs ni Aquino na matagal na niyang ginagawa bago pa man pumasok sa pulitika ay alinsunod rin sa trabaho ng UPA sa pagbigay sa mga maralitang pamilya ng community assistance at edukasyon tungkol sa kanilang mga housing rights.

Ayon naman kay Aquino, na naparangalan na sa buong mundo para sa kanyang mga programang pang-mahihirap, matagal na siyang humahanga sa trabaho nina Denis Murphy at lubos na nagpapasalamat sa tiwalang ipinakita nito sa kanyang kandidatura.

Show comments