Bebot inutas sa harap ng nobyo

MANILA, Philippines -Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na dalaga habang siya at ang kanyang nobyo ay naglalakad sa Tondo, Maynila, kahapon ng mada­ling-araw.

Ang biktima ay naki­lalang si Marjorie Carvajal,  ng #619 Isal San Juan St., Gagalangin.

Arestado naman ang mga suspek na sina Anjo Pareja, 24, at Ogie Diaz, mas kilala bilang Ogie Negro, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng Guido-1, Dagupan Extension Tondo.

Batay sa imbestigas­yon ni  PO3 Rodel Benitez ng MPD-Homicide section, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa panulukan ng Dagupan at Hermosa Sts. sa Tondo habang naglalakad  si Carvajal, kasama ang  nobyong si  Richard Garcia nang pagbabarilin ng mga suspek na noon ay sakay ng motorsiklo.

 

Show comments