MANILA, Philippines - Tinawag ng isang mamÂbabatas na “false asia†ang ginagawang survey ng Pulse Asia dahil sa kaduda-duda nitong survey.
Ayon kay House MinoÂrity Leader Danilo Suarez, isa siya sa maraming nagdududa sa resulta ng survey ng Pulse Asia at kanyang kinukuwestyon ang resulta ng mga pre-election surveys kung saan pawang mga senatoriables ng Team PNoy ang pasok sa top 12.
Kapansin pansin din umano na hindi gaanong dinudumog ang mga sorties ng Team PNoy, subalit pagdating sa survey ay halos lampasuhin nito ang mga kandidatong United Nationalist Alliance (UNA).
Idinagdag pa ng mambabatas, na may mga pagkakataong “statistically impossible†ang resulta ng Pulse Asia.
Idinagdag pa ni Suarez na nagagamit lamang ang survey para ikondisyon ang isip ng mga botante ay paÂboÂran ang mga nagpakomisÂyong partido kandidato.