MANILA, Philippines - Tatlong pulis ang sinibak sa kanilang puwesto matapos na makunan ng video habang ginugulpi ang isang walang kalaban-labang lalaki sa Paniqui, Tarlac.
Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang mga pulis na sinibak at isiÂnailalim na sa restricÂted custody na sina PO3 Richelle Antonio; PO2s Herardo Bermudez at Fernando Acosta; pawang miyembro ng Paniqui Municipal Police Station (MPS).
Bukod dito ay paiimÂbestigahan na rin ng lideÂrato ng PNP sa Internal Affairs Service ng Tarlac Police ang kaso ng natuÂrang mga pulis na laman ng 39 segundong video ng panggugulpe; na kumakalat ngayon sa internet.
Sa nasabing video ay kinunan ng patago ang tatlong pulis habang kinaÂkausap at tila nakikipagÂtalo sa isang lalaki na naÂkakulay orange ng t-shirt na kanilang inaresto dahilan sa kaso ng physical injuries.
Mapapanood rin sa video na itinulak ng isa sa mga pulis ang lalaki kaya napasandal ito sa isang naÂkaparadang sasakyan kung kaya kinapitan nito ang pulis na tumulak sa kaniya pero sinipa siya ng isa pa na sinundan ng suntok ng pangatlong parak.
Bagaman nanlaban ang biktima ay binigwasan ito ng isa pang malakas na suntok ng isa pang pulis dahilan upang bumagsak ito.
Kapuna-puna rin na giÂnaÂwang punching bag ng isa pang pulis ang biktima na pinagsusuntok ng kaliwa nitong kamao sa mukha.
Base sa ulat ng Tarlac Police, inaresto ang laÂlaki dahilan sa kasong physical injuries at lumaÂlaÂbas na kabilang sa nasaktan si PO3 Antonio na nagprisinta ng medical certificate at nagsampa ng reklamo sa hindi pa pinaÂngalanang lalaki.
Bagaman ayaw muna ni Cerbo na husgahan ang video ay sinabi nito na hindi dapat gumamit ng marahas na pamamaraan sa pag-aresto sa isang suspek.