Lover na trader kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng 5 armadong kalalakihan ang isang maglive-in na negosyante kahapon sa Baliwasan, Zamboanga City.

Kinilala ang mga biktima na sina Nancy Gonato, 38, at kinakasama umano nitong si Ronnie San Dagon, 50 na ang negosyo ay pagbebenta ng marine products tulad ng ulang o lobster sa nasabing lalawigan.

Batay sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling-araw ay natutulog ang mga biktima sa inuupahang bahay sa Brgy. Baliwasan nang sila ay katukin ng mga suspek na nagkunwaring tindero ng lobster.

Nang pagbuksan ng mga biktima ay agad na sila ay  tinutukan ng baril at puwersahang tinangay at isinakay sa isang motorized pumpboat sa direksyon ng west coast.

 

Show comments