AustraliYano binoga sa ulo, utas

MANILA, Philippines - Utas ang isang Australian national matapos itong barilin sa ulo sa loob ng kanyang resto bar sa Barangay Barretto, Baloy Beach, Olongapo City ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Paul Davy, 50, ma­nager at Owner ng Blue Rock Resort sa Barrio Barreto sa lungsod.

Base sa inisyal report, nakaupo si Davy habang umiinom ng beer nang lapitan ng isang di-naki­kilalang suspek na agad bumunot ng baril at ipinutok sa ulo ng biktima dakong alas-7:00 ng gabi.

Agad isinugod ang bik­tima sa Our Lady of Lourdes International Hospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy pa rin ang isi­nasagawang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng krimen at madakip ang salarin.

 

Show comments