23 WWII bomb nahukay

MANILA, Philippines - Nahukay sa bisinidad ng ginagawang canteen sa isang rehabilitation center sa Dagupan City, Panga­sinan nitong Huwebes ang 23 vintage bomb na pinaniniwalaan ibinaon noong World War II.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono ang pulisya hinggil sa nahukay na mga vintage bomb.

Ang naturang mga vintage bomb na kinakalawang na sa kalumaan ay narekober sa bisinidad ng Region 1 Rehabilitation Center na matatagpuan sa Palatong Street, Bonuan Binloc District ng lungsod.

Show comments