MANILA, Philippines - Muli na namang kumana ang mga holdaper ng UV Express matapos na holdapin ang isang call center agent na natangaÂyan ng mamahaling gadgets sa loob ng sinasakyang pamÂpasaherong van sa Pasig City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Jose Alberto Bautista, 27, residente ng Barangay Bambang ng lungsod.
Isa sa mga suspek na pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang si Bernie Salvador, may nakabimÂbing kasong robbery holdup.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi sumaÂkay ang biktima sa isang pampasaherong UV Express van mula sa BaÂrangay Rosario Pasig at patungo sana sa Ayala Makati City.
Pagsapit sa C5 na sakop ng Barangay Bagong Ilog ay nagdeklara ng holdap ang mga suspek, na armado ng patalim na nagÂpanggap na pasahero.
Kinuha sa biktima ang mga high tech na gadget na tinatayang aabot sa P30,000 ang halaga. Agad na bumaba at tumakas ang mga ito matapos makuha ang pakay.