Ex-cop, misis timbog sa shabu

MANILA, Philippines -Inaresto ng pinag­sa­nib na puwersa ng Phi­lippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) at Taguig City Police ang isang dating pulis at misis nito sa isang buy bust operation ng shabu kamakalawa sa naturang lungsod.

Ang mga suspek ay kinilalang sina SPO2 Wil­fredo Hidalgo, 47-anyos, dating nakata­la­ga sa National Capital Regio­nal Police Office (NCRPO), na nasibak dahil sa na-AWOL at ang misis nitong si Cristina, 46, kapwa resi­dente ng no. 6 General Santos Avenue, Lower Bi­cutan, ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi noong Martes nang madakip ang mag-asawa ng mga otoridad.

Nakumpiska sa mag-asawa ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang Beretta pistol.

Nakaditine ang mag-asawang suspek sa PDEA Custodial Fa­ci­­lity sa Quezon City ha­­bang inihahanda ang pagsasampa ng ka­­song paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.

Show comments