MANILA, Philippines -Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na ang isa ay naÂka-wheelchair matapos na sila ay maatrasan ng isang delivery truck kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Ang mga nasawi ay kinilaÂlang sina Philip AmonÂcio, 38, may-asawa, driver, ng 1st West Crame, Road, 698, San Juan City at Felipe Cureg, 44, may-asawa ng 116 Mother IgnaÂcia St., Brgy. South Triangle.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi sa may parking area ng National Bookstore na matatagpuan sa panulukan ng Scout Borromeo at Quezon Avenue, Brgy. South Triangle ay pinarada ni Amoncio ang kanyang Isuzu Elf (UWC-948) trak para magdeliber ng goods sa isang sangay ng Jollibee.
Tumulong pa ang biktima sa kanyang helper sa pagbaba ng goods, saka nilagyan ng kalang ang gulong ng trak para hindi ito umandar.
Habang tumutulong si Amoncio, lumapit naman si Cureg na naka-wheelchair at nanghingi ng kalakal na karton na binigyan naman ng una.
Habang tinulungan ni Amoncio si Cureg na magtupi ng karton, ay bigÂÂlang umatras ang trak at sa kasamaang palad ay kapwa sila nagulungan.
Hindi na napigilan pa ng pahinante ng trak sa pag-atras ng sasakyan ng lumipat ito sa driver’s seat.
Ang dalawa ay dinala sa East Avenue Medical Center, subalit kapwa nasawi habang ginagamot.