Aleman utas sa kainuman

MANILA, Philippines - Isang saksak sa dibdib ang tumapos sa buhay ng isang Aleman nang saksakin ng kainuman matapos ang mainitang pagtatalo kamakalawa sa Brgy. San Jose, Koronadal City, South Cotabato.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Ralf Dietrich, tubong Frankfurt,West Germany, 59 na may 20 taon ng na­ninirahan sa Koronadal City kasama ang live-in partner nitong Pinay.

Ang suspek na tuma­kas na kapitbahay ng bik­tima ay kinilalang si Nes­tor Kadungong.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay kasalukuyang nag-iinuman ang biktima, suspek at mga ka­sama sa Purok Lower Kadidang, Brgy. San Jose nang biglang magtalo ang dalawa sa hindi pa malamang isyu.

Bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima na duguang napalugmok malapit sa mesa ng bilyaran at binawian ng buhay noon din sa in­sidente.

Show comments