Opisina ni QC Vice Mayor Belmonte pinarangalan bilang Most Gender sensitive award

MANILA, Philippines - Nakamit ng tanggapan ni QC Vice Mayor Joy Bel­monte ang titulong Most Gender-sensitive Of­fice  bilang pagkilala sa mga programa at aktibong pagsuporta ng tanggapan nito sa mga karapatan at kapa­kanan ng mga kaba­baihan sa lungsod sa gina­nap na 2013 Women’s Month.

Ang QC government sa pamamagitan ng Gender and Development Resource and Coordinating Office ay nagkaloob ng parangal sa Offfice of the Vice Mayor  dahil sa wa­lang sawang pagtulong at gender sensitive prog­rams na nagpo-promote ng  gender equality sa mga kababaihan sa lungsod.

Ang pagdiriwang sa Women‘s Month ay tau­nang ginagawa sa QC bilang pagsuporta at pagkilala sa mga kababaihan sa kanilang commitment at dedikasyon sa pagsisilbi sa komunidad para maia­ngat ang social, political at economic aspect of governance.

Show comments