CHED, inutil – Solon

MANILA, Philippines - Tinawag na inutil ni Gabriela Partylist Rep. Emmie de Jesus ang  Commission on Higher Education (CHED) dahil sa kabiguan nito  na masawata ang   patuloy na pagtataas ng matrikula sa mga pribado at pampublikong kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Giit ni de Jesus, hindi naman  utu-uto ang mga estudyante para pangakuan lamang na titingnan nila ang mga bogus tuition fee consultations.

Bukod dito, hindi rin umano kailangan ng mga estudyante ang pangako o pang uuto kundi isang aksyon laban sa mga mapagsamantalang paaralan.

Hinamon din ng mambabatas ang CHED na ipakita na hindi sila stamp pads ng malalaking negosyante na nasa likod ng paaralan at unibersidad sa bansa.

Show comments