Sali na sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazar

MANILA, Philippines -Mayroon pa’ng ilang natitirang stall para sa mga nais magtinda sa Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar na gaganpin sa ika-11 hanggang ika -13 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay. Inaanyayahan ang maaring magdala ng iba’t-ibang produktong galing sa lalawigan – maging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay.  Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang “One Town, One Pro­duct” ng Department of Trade and Industry ay partikular na inaasahang lalahok. Ang mga interesado sa  Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar ay maaring makipag-ugnayan kay  Teray Rivas sa telepono bilang 216.6022.  Ang taunang Aliwan Fiesta ay handog ng Manila Broadcasting Company, Star City, Cultural Center of the Philippines, at ng mga lungsod ng Maynila at Pasay.

Show comments