MANILA, Philippines -Proteksyunan ang mga consumer sa mataas na presyo ng pangunahing bilihin gayundin sa mga basic services.
Ito ang hiling ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet Jack Enrile sa pamahalaan
“Tungkulin ng pamahalaan na panatilihin na abot-kaya ng karaniwang mamamayan ang presyo ng bilihin at iba pang basic needs,†pahayag ni Enrile.
Ayon pa kay Enrile, na kinatawan din ng unang distrito ng Cagayan, bagama’t ang food security ang kanyang pangunahing isinusulong sa kanyang kampanya, sinabi nito na bahagi rin ng kanyang plataporma ang mabigyang proteksyon ang mga consumer sa walang patumanggang pagtaas ng presyo ng pangunaÂhing bilihin.
Pinuna rin ni Enrile ang “unfair trade practice†tulad ng pagmanipula sa mga presyo ng bilihin kung saan ang karampot na kinikita ng maliliit ay napupunta lamang sa mapagsamantalang negosyante na walang ibang inisip kundi ang kanilang sarili.
Si Enrile ang may-akda ng House Bill No. 0549 na kalaunan ay na-consolidate bilang HB4835 na nagÂlalayong ipagbawal ang monopoly, manipulasyon sa presyo ng bilihin, diskriminasyon sa presyo ng bilihin at unfair trade practices na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga consumer.