MANILA, Philippines - Pinabulagta ang tatlong magkakaibigan habang sila ay masayang nag-iinuman matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Agad na nasawi sa piÂnangyarihan ng krimen ang mga biktimang sina Ranillo Malinao, 30, ng HuÂlong Duhat; Melvin LuÂciano, 37, ng Bayan-BaÂyanan, kapwa ng naturang lungsod at Elmar Tulipas, 41, residente naman ng Barangay Tanza, Navotas City.
Nilalapatan naman ng lunas sa Tondo Medical Center sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan ang isa pang biktima na si Ronald Pinos, 28, taga Barangay Hulong Duhat, Malabon City.
Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-11:50 ng gabi sa kahabaan ng Gil Pascual St., Barangay Hulong Duhat sa lungsod.
Ayon sa report, habang nagkakasayahan sa inuman ang magkakaibiÂgan na biktima nang biglang sumulpot ang tatlong hindi kilalang armadong suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin ang mga biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek na ngayon ay patuloy pang sinisiyasat ng pulisya ang naganap na insidente.