Binatilyo utas sa kalaban na frat

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ang isang 14-anyos na binatilyo ng mga miyembro ng kalaban nitong fraternity kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang biktima na si Welmer Macan ay natagpuang duguang nakabulagta  na naghihingalo sa isang kahoy na upuan sa naturang barangay nitong Huwebes  ng madaling-araw na nagawa pang isugod sa pagamutan ng mga otoridad, subalit idineklara itong dead-on- arrival.

Sa pahayag ng mga magulang ng biktima sa pulisya, na ang kanilang anak ay nabigong umuwi sa kanilang bahay ng nasabing araw.

Malaki ang hinala nila na may kinalaman sa fraternity war ang pananaksak at pagkamatay ng kanilang anak.

 

Show comments