MANILA, Philippines - Hinatulan ng 6-12 taong pagkabilanggo ng Makati City Regional Trial Court ang dalawang sundalo na miyembro ng Magdalo Group kaugnay ng partisipasyon sa naganap na kudeta noong Hulyo 27, 2003 sa Oakwood, Makati City.
Sa desisyong inilabas ni Judge Andres Bartolome Soriano, ng Makati RTC branch 148, hinatulan nito na “guilty†sa kasong kudeta sina 1st Lt. Rex Bolo at 1st Lt. Lawrence San Juan.
Bagama’t sinabi ng korte na hindi mga pinuno ng naganap na kudeta ang dalawang sundalo, malaki naman ang partisipasyon ng mga ito.
Ibinasura ng korte ang depensa ng dalawa na hindi kudeta ang kanilang ginawa dahil sa pribadong gusali ang kanilang kinubkob at hindi sa gobyerno. Sinabi naman ng korte na totoo na ang nilalabanan ng mga sundalo nang isagawa ang kudeta ay ang gobyerno.
Matatandaan na tiÂnangÂgap na ng 29 junior officers na kasama sa Oakwood mutiny ang alok na amnestiya ng pamahalaan habang hindi naman ito tinanggap nina Bolo at San Juan dahil nais bumalik ng mga ito sa serbisyo.
Nakatakda namang iapela ng dalawang sundalo ang ibinabang desisyon sa Court of Appeals sa susunod na linggo.
Kabilang sa mga lider ng nabigong kudeta ay sina dating Navy officer Antonito Trillanes IV na naging senador at muling tumatakbo; Army Capts. Gerardo Gambala, Milo Maestrocampo, Navy Ltsg. James Layug at Marine Capt. Gary Alejano.