MANILA, Philippines - Kinalampag kahapon ni Bro. Eddie Villanueva, kandidatong senador ang gobyerno laban sa mga paÂmamayagpag ng mga hindi makatarungang lending practices sa bansa katulad ng 5-6.
Ayon kay Villanueva, hindi pa rin natatapos ang kultura ng “kapit sa patalim†lalo na sa mga mahihirap na tumatangkilik sa mga nagÂpapa-5-6.
Sa kabila aniya ng mataas na interes walang magawa ang mga nais mangutang sa mga “loan sharks†dahil karamihan sa mga mahihirap ay wala namang access sa mga legal na lending institutions o hindi sila kuwalipikado na mangutang sa bangko na kalimitan ay may hinihinging collateral.
Kalimitan din aniyang nabibiktima ng mga loan sharks ang mga magulang na nais pag-aralin ang kaniÂlang mga anak na palaging kinakapos sa gasÂtusin sa pagÂpasok sa eskuÂwelahan.
Ayon kay Villanueva sa kaso ng 5-6 umaabot sa 20 porsiyento ang ipinapatong na tubo na pinapatulan naman ng mga nais mangutang dahil na rin sa kawalan ng pera at desperasyon.
Naniniwala si VillaÂnueÂva na may magagawa ang gobyerno at isa na rito ang pagbuhay sa Anti-Usury Law kung saan ipinagbabaÂwal sa nasabing batas ang pagpapataw ng masyadong mataas na tubo.