MANILA, Philippines - Dalawang smuggler ng mga mamahaling sasakyan ang kinasuhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon sa Department of Justice hinggil sa illegal na pagpapasok ng mga mamahaling sasakyan sa bansa na nasabat noong Disyembre 2012 at Pebrero 2013.
Ang mga dalawang negosyante na sinampahan ng kasong paglabag sa Section 3601 and 2530 of Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at Executive Order No, 156 (banning the importation of used vehicles) o pagbabawal na mag-import ng mga segundamanong mga sasakyan ay kinilalang sina Anthony F. Soriano at Sonny Villatuya, ng Ranths General Merchandise.
Base sa record ng BoC tinangkang ipuslit ni VilÂlatuya ang 14 na smuggled imported used right hand drive na mga sasakÂyan na nagkakahalaga ng P5 milyon noong nakaraang Disyembre 2012, na nangÂgaling sa bansang JaÂpan na nasabat sa Manila InterÂnational Container Port, Port of Manila.
Si Soriano ay kinasuhan din matapos na masabat ang isang forty footer container van nito sa Davao Port noong Pebrero 9, ng taong kasalukuyan, na naglalaman ng mga smuggled Range Rover, Mini Cooper at NisÂsan 350-Z, na nagkakaÂhaÂlaga naman ng humigit kumulang sa P4 milyon na nagmula sa Long Beach, California, USA.