MANILA, Philippines -Tatlong lalaki ang naiulat na nagbigti sa magkakahiwalay na lugar at oras sa lalawigan ng Cavite, ayon sa ulat ng pulisya.
Matinding selos ang nagÂÂtulak sa biktimang si Ryan Enrera, 28, ng MaÂbuhay Homes 2000, Brgy.Paliparan 2, Dasmariñas City, Cavite na magbigti sa banyo ng kanilang bahay gamit ang kurtina matapos umanong mabalitaan na may nanliligaw na iba sa kanÂyang kinakasama.
Sa imbestigasyon, alas-10:15 ng gabi nang madisÂkubre ng kinakasama ng bikÂtima na si Helen Ramos ang insidente.
Dakong alas-8:05 ng gabi ay nagpakamatay rin ang isang George Wilbur Bakeomeamea, 24, college student sa loob ng banyo ng tinutuluyang boarding house sa Brgy. Kaytapos, Indang.
Nabatid na gumamit ng sinturon ang biktima maÂtapos umanong hindi maÂkayanan ang problema sa pamilya.
Ang panghuli ay isang 30-anyos na lalaki na may sakit sa pag-iisip ang nagbigti gamit ang sintas ng sapatos matapos umanong hindi makayanan ang lagnat.
Ang biktima ay nakilaÂlang si Cham Thurston, binata ng Sampaguita Ave. Seabreeze Subdivision, Brgy. 28 Caridad, Cavite City.
Sa imbestigasyon ganap na alas-10:00 ng umaga nang madiskubre ang nakabigting katawan ng biktima sa hamba ng kanyang kuwarto.