Lalaki na maraming tattoo sinalvage

MANILA, Philippines -Isang lalaki na mara­ming tattoo sa katawan ang hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon ng umaga sa isang kalye ng subdivision, Brgy. North Fairview, Quezon City.

Ang biktima ay inilarawan ng pulisya na ang edad ay nasa pagitan ng 40-45; maliit ang katawan, may taas na 5’4”; nakasuot ng berdeng damit at kulay itim na pantalon at may mga tattoo sa katawan na may pangalang Totoy Ramirez, Rolly Ramos, at Egay Sabbath.

Walang nakita na anu­mang sugat sa katawan ang biktima na maaaring pinatay sa pagtakip ng plastic sa mukha nito kung kaya’t hindi nakahinga.

Ayon sa isang Henry Tactac, security guard na dakong alas-6:15 ng umaga ay nagsasagawa siya ng roving inspection sa binabantayang Fairmont Subdivision at pagdating sa isang bakanteng lote  malapit sa isang bahay  sa  No.2 Bryant St. kanto ng Badger St., ay nakita niya ang bangkay ng biktima na nakahandusay at may tali ang mga kamay ng packaging tape.

Magugunita na noong Biyernes ay isang lalaki rin ang biktima ng salvage na natagpuan sa unahan ng isang alumi­num warehouse sa may Block 167, Lot 17 sa Com­monwealth Avenue, Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Pinalalagay ng pulis­ya na iisa lamang ang sus­pek sa naturang mga kri­men.

Show comments