MANILA, Philippines - Ang umano’y pag-overtake ng isang motorsiklo na kinalululanan ng tatlong estudyante ang dahilan sa kanilang kamatayan matapos bumangga sa kasalubong na delivery van sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela kahapon ng umaga.
Namatay noon din sa lugar ng pinangyarihan ang mga biktimang sina George Catulos Jr., 20; at Bartolome Flores, 18 habang namatay sa pinagdalhang ospital ang isa pang angkas na si Johhny Medina, 19.
Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga ay saÂkay ang mga biktima ng moÂtorÂsiklo na minamaneho ni Catulos at mabilis na biÂnaÂbaybay ang nasabing highÂway nang mag-overtake ito sa isang sasakyan sa kanilang unahan.
Pagdating sa crossing ay nasalpok ito ng Isuzu closed van (ZGJ 684) na minamaneho ni Edison Solis na kung saan ay pumailalim ang tatlo at nakaladkad pa ng may 100 metro na kaÂniÂlang ikinasawi.
Ang driver ng van na si Solis ay kinasuhan ng reckless imprudence resulÂting to multiple homicide at damage to property.