Pulis pinaslang habang nagtotong-its

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang pulis matapos itong barilin ng isang salarin habang naglalaro ng tong-its ka­makalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang nasawing biktima dahil sa tama ng bala sa katawan ay nakilalang si PO3 Alberto Aladano, 48, nakatalaga sa NCRPO-Regional Personnel Holding and Auditing Unit (RPHAU) at residente ng  6-A Minahan St., Marikina City.

Nasugatan naman sa tama  ng ligaw na bala sina Marisa Sese. 44, ng  Blk. 9, Lot 6 Acacia St., Bo. Sto. Niño at Delima Habingan, 54.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi ay naglalaro ang  biktima ng tong-its sa may panulukan ng Acacia at Lawaan Sts., ng naturang siyudad nang magkatinginan sila ng suspek.

Hindi umano ito pinan­sin ng biktima nang bigla na lamang siyang pinagbabaril ng suspek.

Patuloy ang imbesti­gas­yon ng pulisya at bine­berika ang nakuhang impor­masyon hinggil sa umano’y pagkakasangkot ni Aladano sa droga.

 

Show comments