MANILA, Philippines - Grabeng init ng panahon ang dinanas ng Metro Manila kahapon nang umabot sa 33.8 degree Celsius ang temperatura dito.
Ayon kay Chris Perez, weather forecaster ng PhiÂlippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang matinding init ng panahon ay umarangkada ganap na ala -1:50 ng hapon kahapon.
Anya, dulot ng patuloy na paghina ng hanging amihan, ang easterlies o ang hangin mula sa silangan ay nagsimula namang umepekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang nararamdamang pagbabago sa panahon ngayon ay senyales ng summer season na matatapos sa huling lingo ng Mayo o mga unang lingo ng Hunyo.