Paslit dinukot ng kelot

MANILA, Philippines - Isang 5-taong gulang na batang babae ang tinangay ng hindi pa nakikilalang lalaki habang abala ang ina nito sa pakikipag-party sa kanilang lugar sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang paslit na itinago sa pangalang Joanna ay tinangay umano ng suspek na nakasuot ng sleeveless na violet, pink na leggings at berde ang tsinelas.

Batay sa  kuha ng Closed Circuit Television (CCTV) ng barangay hall, ang biktima ay nakitang pinainom ng juice ng isang lalaki at binuhat nito papalayo sa lugar.

Sa reklamo ni Vanessa Lameranes, 30, ina ng bata na residente ng #624 Blumentritt Ext. Sampaloc, Maynila  kay SPO1 James Poso ng Manila Police District-General Assignment Section, kasama niya sa idi­naos na Aerobic party ang anak na ginanap sa kanilang lugar sakop ng Barangay 536, Zone  53, nang maging abala siya at hindi napansin ang pagtangay sa kanyang anak.

 

Show comments