MANILA, Philippines - Pinakawalan na ng mga rebeldeng Syrian ang 21 sundalong Pinoy na nagsisilbing peacekeeÂpers ng United Nations sa Golan Heights, Isreal matapos ang tatlong araw na pagkakabihag sa Syria.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Jordan ang 21 Pinoy na miyembro ng United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF) ay pinakawalan ng mga Syrian abductors sa Jordanian authorities.
Sinabi ni UN Secretary General Ban Ki-moon na welcome sa kanya ang ginawang pagpapalaya sa 21 Pinoy at iginiit nito na dapat ay respetuhin ang “freedom of movement, safety and security†ng lahat ng UN peacekeepers na may “immunity†tulad ng mga diplomat.
Ikinatuwa naman ng Malacañang ang pagpapalaya sa 21 Filipino contingent sa UN peacekeeping force na binihag ng mga rebelde sa Syria.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin LaÂcierda, nagpasalamat si Pangulong Benigno Aquino III sa effort ng United Nations (UN) upang ligtas na mapalaya ng mga rebelde ang 21 Filipino UN peacekeeping forces sa Syria.