MANILA, Philippines - Nagpalabas ng advisory ang Malaysian governÂment para sa kanilang mamamayan sa Pilipinas na doblehin ang gawing pag-iingat dahil na rin sa mga isinasagawang anti-Malaysian rally ng mga militanteng Pinoy na sumugod sa Embahada sa Makati City.
Ang pagpapalabas ng advisory ay dahil sa patuloy na pag-init ng bakbakan sa pagitan ng Sulu Royal Army at Malaysian security forces na kung saan ay nagsagawa ng airstrike at ground attacks ang Malaysian troops sa mga Pinoy-Muslim na tagaÂsuporta ni Sultan Jamalul Kiram III sa Lahad, Datu at ibang lugar sa Sabah.
Hiniling na ng MalayÂsia sa Philippine authorities na dagdagan ang seÂguridad sa kanilang Embahada sa Maynila at Konsulado sa Davao City upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng kanilang mamamayan.
Nagpasalamat pa ang Malaysia sa Philippine government at Philippine National Police dahil sa pagbibigay ng security protection sa kanilang Embahada at Konsulado.
Nagpalabas din ng advisory ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa may 800,000 Pinoy sa Sabah na maging kalmado sa sitwasyon hinggil sa nagaganap na bakbakan.