Team PNoy candidates panay proxy

TACURONG CITY, SULTAN KUDARAT, Philippines —Inihayag ni Sen. Franklin Drilon na pagsasabihan ng Team PNoy ang kanilang mga senatorial candidates dahil sa pala­ging proxy lamang ang ipinadala sa mga campaign sorties.

Ayon kay Sen. Dri­lon, campaign manager ng Team PNoy na nauunawaan nila ang sitwasyon ng mga kandidato na nais lamang mas malawak ang kanilang pangangam­panya kaya nagpapadala sila ng mga proxies.

Kakausapin din niya ang mga kandidato na sumama rin sa rallies ng Team PNoy lalo’t kapag naroroon si Pangulong Aquino.

Kahapon ay ilang kandidato ng Team PNoy ang hindi nakarating sa campaign  sorties bagkus ay proxies lamang ang kanilang ipinadala tulad nina Aurora Rep. Sonny Angara, Grace Poe, Sen. Antonio Trillanes IV.

Show comments