MANILA, Philippines - Inatake na ng Malaysian authorities sa pamamagitan ng aerial strikes at composite ground assaults ang mga miyembro ng Sulu Sultanate Royal Army at mga tagasuporta ni Sultan Jamalul Kiram III na sinasabing mga ‘intruders†sa kanilang teritoryo sa Sabah kahaÂpon.
Bukod sa dalawang Malaysian army battaÂlions para sa karagdagang ground attacks, gumamit na rin ng fighter jets ang Malaysian security forces at nagbagsak ng bomba sa lugar na hinihinalang pinagkukutaan ng may 100-300 Pinoy Muslims na pinamumunuan ng kaÂpatid ng Sultan na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram sa Tanduo Village, Lahad Datu sa Sabah.
Ang aerial at ground attacks laban sa Rajah Muda group ay sinimulan matapos na ibasura ng Malaysia ang apela ng Pilipinas na magpatupad ng “maximum tolerance†ang Malaysian authorities laban sa mga tagasuporta ni Kiram na ilegal at armadong pumasok sa Sabah.
Sinabi ng Malaysian authorities na alas-7:00 ng umaga kahapon nang simulan ang air strike at ground attacks sa grupo ni Rajah Muda at sinabing walang nasugatan o namatay sa panig ng Malaysian troops.
Binigyang-diin ni Malaysian Prime Minister Mohamed Najib bin Abdul Razak na mananagot ang mga Pinoy na sangkot sa standoff at kakasuhan sila ng multiple murder dahil sa pagkamatay ng walong pulis-Malaysia sa nasabing bakbakan.
Ayaw aniya na dumaÂnak pa ang dugo, subalit nakikita nila na walang planong umalis ang grupo ni Kiram kaya dapat din nilang depensahan ang kanilang sobeÂrenya.