MANILA, Philippines - Isang tulay ang sinuÂnog muna bago pinasabog ng mga hindi pa nakikilaÂlang mga suspek kamakalawa sa Brgy. Taltal, Masinloc, Zambales.
Sa ulat na natanggap ni Masinloc Chief Police P/Chief Inspector Pancho Doble, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente nang pagsunog at pagpaÂpasabog sa tulay ng kilometer 13 ng Masinloc-Coto Road.
Nakuha ng mga otoridad ang mga pira-piraso ng nasunog na mga electrical wires na marahil ay nagsilbing trigger device sa mga explosives na ginamit.
Ang naturang provincial highway ang siya umaÂnong nag-uugnay sa bayan ng Masinloc at nang Coto Mines kung saan bantog sa pagmimina ng first class na chromite.
Ang nasabi ring lugar ang umano’y madalas na enkuwentro ng mga otoriÂdad, military at New People’s Army.
Wala naman umanong naiulat na namatay o nasugatan sa naturang insidente at sa kasalukuyan ay wala nang makatawid at paralisaÂdo ngayon ang maraming maÂmamayang nakatira doon.