Tserman tiklo sa shabu

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman ang naaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa isang buy-bus operation sa lalawigan ng Cotabato.

Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Jimmy Onotan, 33, barangay chairman ng Barangay Kapinpilan, Midsayap, Cotabato at nasa number 8 target pusher ng pulisya sa lalawigan.

Ang suspek ay naaresto ka­makailan ng PDEA Regio­nal Office 12 (PDEA RO12) North Cotabato Special Enforcement Group matapos na makipagkasundo sa isang transaksyon sa Purok  5, Barangay  Poblacion  6 ng lugar.

Matapos iabot ang P500 peso marked bill na ginamit sa buy-bust money kapalit  ng shabu ay agad na dinakip ng PDEA agents ang suspek na kinasuhan ng paglabas sa Section 5 (Sale of Dange­rous Drugs), Article II of Republic Act 9165, na mas kilala  sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments