Mag-utol na paslit todas sa sunog

MANILA, Philippines - Nasawi sa sunog ang magkapatid na sina Tracy, 3 at John Eric Mergano, 2 matapos masunog ang kanilang bahay dahil sa paglalaro ng gasera kamakalawa sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Batay sa ulat, alas-4:30 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa inuupahang maliit na bahay ng pamilya Mergano sa  no. 970 Lanzones St., Phase 1V-B in Barangay De la Paz.

Nabatid na naglalaro ng gasera sa kanilang higaan ang dalawang bata hanggang sa matumba ito at agad na sumiklab ang foam na kanilang inuupuan.

Makalipas ang ilang minuto  na sunog ay nailabas ang magkapatid na kung saan ay nasawi noon din si Tracy habang nasawi sa Qurino Labor Hospital si John Eric dahil sa tinamong sugat sa katawan.

 

Show comments