MANILA, Philippines - Ang sino man pulitiko na mananalo sa darating na halalan na hindi makapagsumite ng Statement of Election Spending and Expenditures (SESE) ay hindi makakaupo sa puwesto.
Ito ang babala kahapon ni COMELEC spokesman Atty. James Jimenez sa pagdalo nito sa Balitaan sa Tinapan.
Aniya, sa sandaling may makita silang paglabag sa SESE ay mahaharap sa disqualification ang isang kandidato.
Paliwanag nito, 30 araw matapos ang halalan kailangan na aniyang nakapagsumite ng SESE ang isang kandidato saka lamang magpapalabas ng certificate of compliance ang komisyon.
Susuriin aniya iyon ng Comelec at maaaring maÂging mabilis o mabagal ang kanilang pagsusuri depende sa dami ng mga dokumento.
Nalaman na mag-iisyu rin ng certificate ang CoÂmeÂlec para i-clear ang kanÂdiÂdato sa SESE.