PO2 arestado sa shabu

MANILA, Philippines - Isang aktibong pulis ang naaresto ng mga ele­mento ng Philippine Drug Enforcement Agen­cy (PDEA) matapos ma­­hu­ling nagbebenta ng shabu sa isang undercover agent ng PDEA sa isang entrapment operation sa General Santos City.

Ang suspek ay kini­la­lang si PO2 Villa­mor Do­mingo, Jr., 31-anyos, nakatalaga sa Police Regional Office 12-Service Company at residente sa Sarangani Homes, Phase 1, Barangay San Isidro, General Santos City.

Bago ang pagkakaaresto ay nakipagkasundo ang isang undercover agent ng  PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12)  para sa bilihan ng shabu sa harap ng isang barber shop sa Laurel North, Barangay Dadiangas North, General Santos City, noong Feb­ruary 20, 2013.

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money kapalit ng shabu ay dito na siya inaresto.

Kinumpiska rin sa suspek ang kanyang cell phone at Honda XRM motorcycle, na may pla­kang  5999 MR at dalawang tig P1,000 marked money na ginamit sa transaksiyon.

Show comments