Spokesman ng tribal organization, inutas

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang spokesman ng Boracay Ati Tribal Organization (BATO) matapos itong ba­rilin nang malapitan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Manoc-Manoc II, Boracay Island, Malay, Aklan.

Ang nasawi ay kinila­lang si Dexter Condez, 26-anyos, residente ng Brgy. Manoc-Manoc sa nasabing isla.

Sa ulat ni Boracay Tou­rist Police Assistance Center (BTPAC) Chief P/Sr. Inspector Joeffer Cabural, bandang alas-9:08 ng gabi habang pauwi at nagla­lakad ang biktima galing sa pagpupulong sa Brgy. Balabag ay sinundan ito ng suspek at malapitang pagbabarilin.

Ayon sa mga tao sa lugar na nakarinig sila ng wa­long sunud-sunod na putok kaya’t sa takot ay nagkanya-kanya ang mga turista na nagtakbuhan.

Sinamantala naman ng suspek ang pagkakagulo ng mga turista.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ele­mento ng BTPAC ang mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Pinaniniwalaan naman ng pulisya na alitan sa lupain ang motibo ng pamamaslang.

Show comments