NAIA transport COOP leader nilikida

MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa ulo ang isang lider ng transport cooperative sa compound ng kanilang koope­ratiba sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa ulo ay nakila­lang si Edito Ruaya, nasa hustong gulang, chairman ng Ninoy Aquino International Airport (NAIASC) Service Cooperative.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-5:45 ng umaga ay nasa loob ng canteen ng compound ng NAIA Service Coope­rative na matatagpuan sa Dr. A. Santos Avenue ang biktima.

Dito ay dalawang la­la­ki ang pumasok sa can­teen ng kooperatiba at paglapit sa biktima ay agad na binaril ito ng isa sa dalawang suspek na armado ng kalibre 45 baril sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktima.

Show comments