Wala akong alam sa pag-aresto kay Isko – Lim

MANILA, Philippine s- Mariing itinanggi ni Manila Mayor Alfredo Lim na may kinalamanm siya sa pag-aresto ng mga tauhan ng Manila Police District kay Vice Mayor Isko Moreno at limang Konsehal dahil sa pagla­laro ng bingo sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

“The  police is there to assert what is right against what is wrong. They cannot just close their eyes because the violator is a government official,” ani Manila Mayor Alfredo S. Lim, matapos makuha ang report na isinumite naman ni P/Supt. Ricardo Layug, ang hepe ng MPD-station 3 na kasamang umaresto kay Vice Mayor Isko Mo­re­no at mga konsehal.”

Kasama ni Moreno na dinakip sina councilors  Jong Isip, Re Fugoso, Yul Servo, Manuel Zarcal at  Joel Chua sa paglabag sa obstruction, illegal gambling at assault.

Nairita si Lim sa napa­ulat na siya ang itinuturong may pakana ng pag-aresto kay Isko at limang konsehal na nagsabing nasa street inauguration siya nang maganap ang hulihan sa Tambunting Sta. Cuz, Maynila.

Show comments