MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang security guard ng Paco Market matapos inguso ng isang saksi sa panghoholdap at pagpatay sa isang 52-taong gulang na negosyanteng ginang na nagpapautang ng 5’6 sa palengke ng Paco, Maynila, kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Eduardo Morta, 43, may-asawa, security guard ng Block 4 Lot 1, Samba Ville, Brgy San Luis, Antipolo City at Gerry Dotarot, 45, may-asawa ng #91 Area 6, Sitio Cabuyao, Brgy., Sauyo, Novaliches, Quezon City.
Nadakip ang dalawa sa isinagawang follow up opeÂration ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)makaraang lumutang ang testigong si Salvador Cruz, 47, vendor, na nagsabing nakita niya ang ginawang pabaril at panghoholdap sa biktimang si Delia Addun, biyuda ng #1507 Sto. SeÂpulcro St., Paco, Maynila, dakong alas-3:30 ng madaling araw, kamakalawa..
“Nakita ko binabaltak ng isang lalaki yong nakasuot na kuwintas at belt bag habang iyong isa ay nakasakay sa isang motorsiklo at may nakasabit na bayong,†ani Cruz.
Nabatid na ang biktima ay nagpapautang ng 5-6 sa mga vendor sa nasabing palengke na sadyang inabangan ng dalawang suspek para patayin at holdapin
Mariin namang itinanggi ng dalawa ang paratang sa kanila at nagsabing natutulog sila dahil wala umano silang duty ng araw na maganap ang krimen.