MANILA, Philippines - Hindi umano totoo ang napaulat na magkakaroon ng sunod-sunod na blackout sa Olongapo City.
Ayon kay Olongapo City Administrator Ferdinand Magrata, paninira lamang umano ng mga kalaban sa pulitika ni Mayor James Gordon ang napaulat na malawakang pagkawala ng supply ng kuryente sa kanilang lugar.
Maging ang pagkakaroon umano ng utang na P4-bilyon ng Olongapo City sa PSALM ay bahagi rin umano ng black propaganda laban sa alkalde.
“Tuloy ang pagsasamoderno ng Public Utility Department ng Olongapo kahit mayroong tutol na mga kalaban sa pulitika ni Mayor Gordon,†ani Magrata.
Sinabi pa ni Magrata na ‘nakuryente’ ang ilang reporter na sumulat at naglabas ng balita na may disconnection notice sa kanila ang PSALM.
Aniya, nakalulungkot na tinatakot ng mga kalaban sa pulitika ni Mayor Gordon ang mga residente ng Olongapo para sa pansariling interes.
Nilinaw pa ni MaÂgrata na wala nang maÂkapipigil sa modernization program ng Olongapo power distribution network sa ilalim ng Public-Parnertship Program na inaprubahan ng Kongreso para magkaroon ng prangkisa ang Cepalco.
“Pirma na lamang ni Pangulong Aquino ang hinihintay naming at saan nila nakuha ang P4B utang sa PSALM? Nasa proseso na ang PSALM at Olongapo sa pagkuwenta ng aktuwal na utang at sinamantala ito ng oposisyon sa kagustuhang manalo sa halalan,†pahayag pa ni Magrata.