Ginang na extra sa pelikula, nilikida

MANILA, Philippines - Nilikida ng dalawang hindi pa kilalang suspek na sakay ng isang  motosiklo ang isang ginang na pa-extra-extra sa pelikula habang ito naglalakad pauwi sa kanilang tahanan galing sa isang simbahan sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Estrella Quides, 63, may-asawa ng #126 Kaimito St., Area B, Brgy. Payatas sa lungsod.

Ang dalawang salarin na pawang nakasuot ng itim na jacket ay mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo matapos nilang tambangan at pagbabarilin ang biktima.

 Ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, ganap na alas-8:30 ng umaga nang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima habang naglalakad ito sa San Bautista St., corner Sto. Niño, Barangay, Quezon City.

Ayon sa anak na dalaga ng biktima, galing umano sila sa pagsamba sa may Mother Devine Provident Church at nag­lalakad sila papauwi nang harangin sila ng dalawang suspek at walang sabi-sibing pinagbabaril ang kanyang ina.

 â€œNauna kasi ako ng konte sa nanay ko, tapos habang naglalakad kami, may pumutok sa likod ko, paglingon ko, yun na po nakita ko na lang na nakahandusay ang nanay ko at duguan,” sabi ng dalaga.

Sinabi pa ng dalaga, bago ang insidente ay napuna na umano niya ang dalawang lalaki na umaaligid sa kanila habang nasa labas ng simbahan at nagda­rasal. Pero bina­lewala niya lamang ito dahil wala naman sa isip niya na may mangyayaring masama sa kanyang ina.

Sa panig naman ng mister ng biktima na si Mang Percevelando, sinabi nito na ang posibleng motibo ng ginawang pagbaril at pagpatay ng mga salarin sa kanyang misis ay away sa lupa dahil inaangkin umano ng ibang tao ang lupang kinatitirikan ng kanilang tahanan.

Hindi pa pinapanga­ lanan ni Mang Percevelando ang mga taong kanilang kaagaw sa lupa na siyang masusing iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad.

 

Show comments