3 bodega ng plastic nasunog sa Laguna

MANILA, Philippines - Natupok ng apoy ang tatlong bodega ng plastic sa pitong oras na sunog na naganap sa Sta. Rosa City, Laguna, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni City Fire Marshall Chief Inspector Rizalde Castro, ang sunog ay nagsimula sa tatlong palapag na gusali ng Fortune Trading na makikita sa Barangay Balibago, Sta Rosa City.

Ayon sa report, ang sunog ay sumiklad dakong ala-1:00 ng madaling araw at naapula ganap na alas-8:00 ng umaga.

Sinasabing mga plastic at styrofoam ang nasa loob ng gusali na mabilis na nagliyab at hindi kaagad naapula ng mga kagawad ng pamatay sunog.

Wala namang naiulat na nasawi o kaya’y nasaktan sa naganap na sunog na tinatayang nasa P1-milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa nasabing sunog.

Show comments