Rider patay, 2 angkas grabe sa salpok

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang driver ng motor­siklo na si Jhon Rey Sagun, habang ang da­lawang angkas nito na sina Alfred Lumbay, 16, at Bryan Morales, 17; ay malubhang nasugatan matapos na sumalpok sila sa isang bahay sa Sampaloc St., Brgy. Signal Village, Taguig City kahapon ng alas-3:00 ng madaling-araw.

Nabatid na mabilis na minamaneho ng nasawi ang kanilang Honda motorcycle at binabagtas ang naturang lugar nang hindi makita ang humps sa kalsada na dahilan para sila ay magpagewang-gewang  ang takbo at su­malpok sa bahay.

Tumilapon ng ilang metro ang mga biktima na kung saan ay una ang ulo ni Sagun na bumagsak.

Malaki ang hinala ng pulisya na lasing ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Show comments