Kinidnap na bata at yaya pinalaya na

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga kidnaper sa isang mall sa Ozamis City, Misamis Occidental noong Biyernes ng hapon ang isang 1-anyos na batang lalaki na  Filipino-Canadian at yaya nito na kinidnap sa kanilang subdivision sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Director P/Chief Supt. Juanito Vano bandang alas-3:30 ng hapon nang pakawalan ng mga kidnapper ang batang  si Timothy Sokolob at yaya nitong si Caroline Demetre sa Gaisano Mall sa Ozamis City.

Magugunita na ang bata at yaya nito ay kinidnap sa Rosario Homes, Dao, Pagadian City, Zamboanga del Sur noong Huwebes dakong alas-6:30 ng umaga.

Una nan g humingi ng P 50 M ransom ang mga kidnappers kapalit ng pagpapalaya sa bata at yaya nito.

Hindi naman kinumpirma ng opisyal kung may kapalit na ransom ang pagpapalaya sa mga bihag.

Idinagdag pa ng opisyal na ang pagpapalaya sa magyaya ay bunga ng pinaigting na operasyon ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) at ng lokal na pulisya na tumugis sa mga kidnapper.

Show comments