MANILA, Philippines - Isang lalaki na kabilang sa mahigit 100 suspek sa MaguinÂdanao massacre ang nasawi matapos itong manlaban sa mga otoriÂdad habang isa ang naaresto sa isinagaÂwang operasyon sa Datu Unsay, MaguinÂdanao kamakalawa ng hapon.
Ang nasawing suspek ay kinilalang si Maguid Amil, 42-anyos.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:00 ng hapon ay nagtungo ang mga operatiba ng CIDG, Army’s 1st Mechanized Infantry Battalion upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Amil na kabilang sa may 196 Private Armed Groups (PAGs) na inorganisa ng maimpluÂwensyang angkan ni daÂting Maguindanao GoÂvernor Andal Ampatuan Sr. upang isagawa umano ang madugong massacre sa mga kalaban nila sa pulitika noong 2009 na ikinasawi ng 57 katao na karamihan ay mga newsmen.
Nabatid na sa halip sumuko ay naghagis ng granada si Amil sa mga otoridad na suwerteng hindi pumutok.
Dito na nagpaputok ng kanyang cal .45 pistol ang suspek sa arresting team na nagresulta sa palitan ng putok sa magÂkabilang panig hanggang sa duguang bumulagta ang suspek na dinala sa Maguindanao Provincial Hospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.
Bandang alas-4:00 naman ng hapon nang masakote naman ang isa pang suspek sa masaker sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court (RTC ) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes na kinilalang si Nasser Guia, 45-anyos sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.