Ginang dedo sa traktora

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang babae matapos na ito ay mabundol ng traktora habang tumatawid sa kalsada sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Ang nasawi ay inilarawang nasa pagitan ng  30 hanggang 35-anyos, fair complexion, at nakasuot ng pulang short at  brown na checkered na t-shirt.

Boluntaryo namang su­muko ang suspek na si Rio Marave, 35, residente ng Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay minamaneho ng suspek ang kanyang Isuzu tractor (RFA-742) nang hindi nito napansin ang pagtawid ng biktima sa Marcos Highway, harapan ng LRT station sa Barangay Santolan, Pasig City.

Sa lakas nang pagkasalpok ay tumilapon pa ang biktima na una  ang ulo na bumagsak sa kalsada na naging nag­resulta sa kanyang kamatayan.

Show comments