MANILA, Philippines - Bagama’t tapos na ang Pasko ay nagmistulang ‘Santa Claus’ si Pangulong Benigno Aquino III sa isang cancer patient matapos nitong bisitahin ito kahapon sa National Orthopedic Hospital sa Quezon City.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, ang dinalaw na cancer patient ni Pangulong Aquino kahapon ng umaga ay si Jericho Rafols, 15-anyos.
Sinabi ni Sec. Carandang, ang wish ni Rafols ay makita niya si Pangulong Aquino dahil ito ang kanyang naging idolo kaya nilabanan niya ang kanyang cancer of the bone.
Na-diagnose ang bone cancer ni Rafols noong 13 anyos ito hanggang sa mawalan na ito ng pag-asa sa buhay.
Nabuhayan lamang ng loob ang pasyente ng makita si P-Noy sa kanyang campaign slogan noong 2010 presidential elections na dapat ‘ituloy ang laban.’
Sinabi ng ina ng pasyente, doon lamang pumayag si Jericho na magpagamot sa ospital hanggang sa putulin ang kanyang kanang hita sa naturang pagamutan.
Sinagot naman ng PaÂngulo ang lahat ng gastusin ni Jericho sa kanyang pagpapagamot pati ang mga gamot sa kanyang chemotheraphy. Kahapon ang ika-53 taong kaarawan ni Pangulong Aquino.
Dinalaw na din ng Pangulo ang pasyenteng sina Mario Maniego na 16 taon nang ginagamot sa nasabing ospital.