Tsuper tinarakan habang katabi ang nobya

MANILA, Philippines - Hindi na nagising pa sa mahimbing na pagka­tulog ang jeepney driver na si Emerito Cuadro, nasa hustong gulang matapos itong tarakan ng hindi pa kilalang suspek habang natutulog katabi ang nobyang si Liberty at isa pang kaibigan na si Joan Centino sa loob ng nakaparadang jeep kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Sa salaysay ni Centino, dakong alas-3:20 ng madaling-araw ay mahimbing silang natutulog sa jeepney (NVW-751) ng biktima na nakaparada sa Pinatubo St., Brgy. Barangka
Ilaya ng lungsod nang big­lang may isang lalaking umakyat sa jeep at agad umanong tinarakan ng
dalawang ulit sa dibdib ang biktima bago mabilis na tumakas.

Show comments