MANILA, Philippines - Dalawang bus ang nagsalpukan sa kahabaan ng EDSA na ikinasugat ng 12 katao kahapon ng umaga sa Makati City.
Batay sa ulat ng MeÂtropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, dakong alas-7:20 ng umaga sa may kanto ng EDSA at Gil Puyat Avenue ay nagsalpukan ang isang Ralph Benz bus at isang Precious bus.
Rumesponde naman sa aksidente ang MMDA Rescue Unit at isinugod sa Ospital ng Makati ang 12 biktima na pawang mga pasahero ng Precious bus na patungong Ayala.
Ayon sa tsuper ng Ralph Benz bus na biyaheng Baclaran na si Fidel Inage, nawalan siya ng preno kaya diretso niyang nabangga sa likuran ang sinusundan na Precious bus.
Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple physical injuries si InaÂge. Nagdulot naman ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa natuÂrang bahagi ng EDSA ang aksidente na umabot pa hanggang Timog Avenue sa Quezon City.